Bago pa man dumating ang mga Kastila, napakayaman na ng Pilipinas sa likas na yaman. Sa ngayon, itinuturing ang Pilipinas bilang sentro ng biodiversity sa buong mundo. Maraming iba't ibang species ng hayop at halaman na endemic o sa atin lamang matatagpuan. Kay ganda talaga ng kalikasan at samu't saring tanawin na makikita sa ating bansa! Ngunit dahil sa pagdami ng tao, ilegal na pagputol ng mga puno, pagmimina, polusyon, poaching at iba pa, unti-unti itong nasisira at nawawala.
Ayon sa DENR, 7.2 hectares na lamang ang natitirang forest area sa ating bansa. At sa lahat ng mga species na endemic sa ating bansa, karamihan sa mga hayop na ito ay endagered na.
Mayroong mga hakbang at proyektong isinasagawa ang DENR para maprotektahan ang ating likas na yaman (hal. Linis Hangin Program, National Greening Program), ngunit ito ay kulang. Dapat maging maalam rin ang mga kabataan at mga mamamayan sa mga isyung may kinalaman sa ating kapaligiran. Dapat tayo mismo ang maging mga tagapangalaga ng ating mga kagubatan at mga natitirang likas na yaman.
Sana magawa ng ating henerasyon ang magtanim ng maraming puno upang mapalitan ang bawat punong naputol. Sa ganitong paraan, maaaring lumawak pa ang forest area para sa susunod na henerasyon. Dapat maingatan ang mga natitirang kagubatan upang mapagyaman pa ang dami ng iba't ibang species ng mga hayop at halaman.
Sana ay mas maraming Pilipino ang magtulungan upang maprotektahan at mapangalagaan ang natitirang likas na yaman sa ating bansa. Hindi natin dapat ito hayaang masira dahil sa modernisasyon at komersalisasyon. Ito ay sariling atin at dapat nating pagyamanin.

Sanggunian:
Philippine Biodiversity: Status and Threats
http://mea.denr.gov.ph/index.php?option=com_content&view=article&id=113&Itemid=205
Meraiah Lee
2010-78989
BEEd CA (Eng)
Meraiah Lee
2010-78989
BEEd CA (Eng)
No comments:
Post a Comment